Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Ano ang ibig sabihin ng bible verse na Mateo 8:28-34?​

Sagot :

Answer:

28 Pagdating niya sa kabilang ibayo ng lawa, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking inaalihan ng mga demonyo. Sila ay nanggaling sa libingan at totoong napakabangis. Kaya walang sinumang maglakas-loob na dumaan sa daang iyon.

29 Narito, sila ay sumigaw na sinabi: Ano ang kinalaman ng bagay na ito sa amin at sa iyo Jesus, ikaw na Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang pahirapan kami bago pa man dumating ang panahon?

30 Sa hindi kalayuan ay may isang kawan ng maraming baboy na nanginginain. 31 Nagmakaawa ang mga demonyo sa kaniya. Sinabi nila: Kapag palalayasin mo kami, pahintulutan mo kaming pumaroon sa kawan ng mga baboy.

32 Sinabi niya sa kanila: Pumaroon kayo. Pagkalabas nila, pumasok sila sa kawan ng mga baboy. Narito, ang buong kawan ng baboy ay tumakbong padaluhong sa isang malalim na bangin at nahulog sa kalalim-laliman ng lawa at nalunod. 33 Ang mga tagapag-alaga ay tumakbo at pumunta sa lungsod. Ipinamalita nila ang lahat ng nangyari at ang sinapit ng mga inalihan ng mga demonyo. 34 Narito, ang buong mamamayan sa lungsod ay lumabas upang salubungin si Jesus. Nang makita nila siya, nagmakaawa sila sa kaniya na umalis na sa kanilang lupain at sa mga hangganan nito.

Mga Gadarenong Pinalaya sa Pang-aalipin ng mga Demonyo

YAN NA PO