IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
Explanation:
Inilunsad ni Garcia ang patakarang “Pilipino Muna” at ang programa sa pagtitipid ng mga mamamayan. Ipinaliwanag niya na ang ibig sabihin ng pagtititpid ay katamtamang paggasta. Nangangailangan ito ng ibayong paggawa, higit na pagtitipid, kapaki-pakinabang na pamumuhunan, at katapatan sa tungkulin. Sa pagpapatupad ni Garcia ng kanyang patakarang “Pilipino Muna,”– binigyang-diin ang pagbibigay sa mga Pilipino ng karapatan at pagkakataong unahing mapaunlad ang kanilang kabuhayan bago ang ibang bansa. Karapatan ng mga Pilipino na makinabang sa ating likas na kayamanan bago ang mga dayuhan.Hindi nagustuhan ng mga mangangalakal na banyaga tulad ng mga Amerikano at Tsino ang patakarang “Pilipino Muna.” Subalit ito ang kailangan upang mabigyan ng katiwasayan sa pangangalakal ang mga Pilipino. Tinutulan ni Garcia ang malayang pangangalakal sa bansa dahil sa mangangahulugan ito ng pagkontrol ng mga dayuhan sa kabuhayan ng bansa. Tinutulan niya ang mga bagay na panluho na nagbubuhat sa ibang bansa. Labag ito sa pagtitipid bukod sa uubos pa ng pananalapi ng bayan na dapat iukol sa mga bagay na makadragdag sa kita ng pamahalaan. Ang patakaran ni Garcia na “Pilipino Muna” at “Asya para sa mga Asyano” ang naging simula ng pagiging di- gaanong palaasa ng mga Pilipino sa Estados Unidos. Binigyang-halaga niya ang pakiki-isa sa mga kalapit-bansa sa larangan ng kabuhayan at kultura. Natatag din sa panahon ng kanyang panununungkulan ang Association of Southeast Asia o ASA. Pinag-isa ng ASA ang Pilipinas, Thailand at Malaysia.
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.