IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto at komunidad ay nagtutulungan para sagutin ang iyong mga tanong. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

Ipaliwanag kung paano nagbago ang gampanin ng mga kalalakihan at kababaihan sa paglipas ng panahon.

"Ang lalaking maybahay at ang babaeng trabahador"
(bigyan ito ng paliwanag)​


Sagot :

Gampanin ng mga kalalakihan at kababaihan

Answer:

Sa paglipas ng panahon, maraming pagbabago ang naganap sa lipunan lalo na pagdating sa katayuan at maging ang mga gampanin ng mga kalalakihan at kababaihan. Kung dati, ang pagtatrabaho ay para lamang sa mga lalaki, ngayon, ang mga babae ay pinahihintulutan na rin na magtrabaho. Kung dati, ang pagiging maybahay o paggawa ng mga gawaing bahay ay para sa mga babae, ngayon, ang lalaki ay pwede na ring gumawa ng mga ito.

Naging posible ang ganitong pagbabago sapagkat ang mga kababaihan ay ipinaglaban ang pagkakaroon nila ng pantay na karapatan. Dahil dito, ang mga imposibleng gawain noon para sa mga babae ay maaari na nilang gawin ngayon, at iba na rin ang pagtingin ng mga tao o ng lipunan sa kung ano ang stereotype na dapat gawin ng mga lalaki.

Para sa karagdagang kaalaman:

  • Gampanin ng mga kababaihan https://brainly.ph/question/6555332
  • Gampanin ng mga kalalakihan https://brainly.ph/question/11852825

#LetsStudy