Makahanap ng mabilis at maaasahang mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

Mag-isip ng mga salitang maaaring maiuugnay sa pagbasa​

Sagot :

PANG-UGNAY- Tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, parirala at sugnay.

MGA URI NG PANG-UGNAY

1. Pangatnig

Ito ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsunod-sunod sa pangungusap.

Halimbawa: Kahit na, dahil sa, kasi, palibhasa, bukod tangi , at, datapuwat, saka, ni, subalit, maging, pati, ngunit, sapagkat, para, kapag,kaya at iba pa.

2. Pang-angkop

Mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.

Halimbawa: na, ng, -g at iba pa

3. Pang-ukol

Mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita

Halimbawa: ng, ni/nina, laban sa /kay, tungkol, ayon sa/kay, hinggil sa /kay, kay/kina, ukol sa/kay, alinsunod sa /kay

Hope it helps! Lovelots!

#CarryOnLearning