Mas lalong pinaigting ang pagpapahalaga ng lipunan sa mga karunungang bayan ngayon lalo na't ngayon ang tinatawag na panahon ng teknolohiya kung saan maraming kultura at tradisyon ang nababalewala dahil sa pagyabong ng teknolohiya. Kaya maraming mga programa ang inilunsad ng Sangay ng Edukasyon tulad ng pagpapahalaga at pagbibigay-diin sa silid aralan ng kahalagahan ng mga sinaunang panitikan gaya ng karunungang bayan. Ang ganitong mga programa ay ginawang parte ng kurikulum lalo na sa araling panlipunan at Filipino na mga asignatura.