Ang ibig sabihin ng salitang 'kalamidad' ay isang sakuna na maaring nagmula sa natural na kondisyon ng panahon at kalikasan tulad ng lindol, bagyo, buhawi, tsunami, landslide, pagputok ng bulkan at mudflow, o kaya nama'y gawa ng tao tulad ng baha,polusyon, deforestation at oil spill. Ang mga ito ay maaring magsanhi ng kapahamakan sa tao at pagkasira ng mga ari-arian.