IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
ANO ANG IMPLIKASYON
• Kung sa Ingles ito ay implication.
• Ito ay ugnayan sa pagitan ng dalawang pahayag ng isang pahayag na may pasubali o mayroong kondisyon
Ito ay ang pahayag na may kondisyon (Antesedente) o nauuna
• Na may kinahinatnan o konsekwente ( Kinalabusan, bunga o resulta.
• Ibig sabihin pinapahiwatig ni A ang B
• Ito ay ang pagbibigay ng konklusyon sa isang kaganapan
• Nagbibigay ng pangangatwiran o kadahilanan kung bakit nangyari ang isang sitwasyon
Kahulugan ng implikasyon:
brainly.ph/question/382469
Halimbawa 1
- Maraming tao ang bumibista sa Underground river sa Palawan
- Ang implikasyon ay tanyag ang underground river bilang magandang pasyalan
- Maraming tao ang pumupunta sa underground river dahil tanyag itong pasyalan.
- Ang dami ng tao na pumapasyal sa underground river ay nagpapahiwatig na tanyag o kilala ang underground river sa buong mundo.
Halimbawa 2
- Marami ang namatay dahil sa pinag-utos ni Pangulong Duterte na bawal ang droga.
- Ang implikasyon ay masigasig ang mga alagad ng batas sa pagpapatupad ng programa
- Maraming tao ang namatay dahil sa pagpapatupad ng programa ukol sa droga
- Ang dami ng tao na namatay ay nagpapahiwatig na masigasig ang pagpapatupad ng mga alagad ng batas sa programa.
Iba pang halimbawa ng implikasyon: brainly.ph/question/37783
Ang implikasyon ay kasingkahulugan ng mga salita:
1. pagkakadamay,
2. pagkakasangkot,
3. pagsasangkot,
4. pagdaramay,
5. dalawit,
6. dawit,
7. pagkakadawit
8. hiwatig/pahiwatig.
#LEARNWITHBRAINLY
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.