Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
PAYAK, TAMBALAN, AT HUGNAYAN NA PANGUNGUSAP
PAYAK NA PANGUNGUSAP
- Ang isang payak na pangungusap ay isang pangungusap na nakapag-iisa.
- Ang payak na pangungusap ay isang sugnay na malaya na may simuno at panaguri ngunit ang diwa na inilahahad ay iisa pa rin.
- Halimbawa: Nagpunta ang mga mag-aaral sa silid-aralan.
TAMBALANG PANGUGUSAP
Sa isang tambalang pangungusap, ang ideyang inilalahad ay dalawa o higit pang ideya. Ang mga pangatnig na at, ngunit at o ang siyang ginagamit bilang pang-ugnay sa dalawang payak na pangungusap.
- at – Kapag ang mga ideya ng dalawang malayang sugnay ay magkasimpantay o sing-halaga ay ginagamit ang at.
- ngunit – At kapag naman ay magkasalungat o di-paris ang ideya, ngunit ang siyang ginagamit.
- o – ginagamit Samantal kung may pagpipiliang alinman sa dalawang ideyang nakalahad sa pangungusap, ang o ang ginagamit. Halimbawa: Sasayaw k aba o await ng “Lubi-Lubi?”
HUGNAYANG PANGUNGUSAP
- Ang hugnayang pangungusap ay maituturing na komplikadong pangungusap sapagkat binubuo ito ng sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-nakapag-iisa.
- Ang mga pangatnig na kung, kapag, pag, nang, upang, dahil sa, sapagkat ang siyang ginagamit na pang-ugnay sa hugnayang pangungusap.
- Halimbawa: Magbabakasyon ako sa Baguio kung sasama ka. Nagkasakit si Lola dahil nabasa ng ulan.
Karagdagang impormasyon:
Payak na panungusap
https://brainly.ph/question/58071
Halimbawa ng Tambalan na pangungusap
https://brainly.ph/question/134535
Halimbawa ng hugnayan na pangungusap
https://brainly.ph/question/158572
#LetsStudy
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!