IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa malinaw na mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

ano ang kahulugan ng salitang pesimistiko?


Sagot :

Answer:

Kahulugan ng Pesimistiko

Ang pesimistiko ay ang pagtingin sa mga bagay bilang isang negatibong pananaw at tumitingin sa masama o madilim na bahagi at kahulugan ng buhay. Ang kabaligtaran nito ay ang optimisko.

Ang isang taong pesimist ay isang taong palaging may negatibong pananaw sa mga bagay-bagay, madalas walang tiwala o kumpyansa sa sarili at kinakain na ng mga negatibong pag-iisip.

Mga Katangian ng Isang Taong Pesimistiko

  • walang tiwala sa sarili
  • mababa ang kumpyansa sa sarili
  • madaling sumuko
  • madalas panghinaan ng loob
  • negatibo ang pag-iisip

Ang isang pesimist ay tumitingin sa posibleng karagdagang pagwawasak ng mga masasamang sitwasyon o pangyayari sa kanyang buhay. Palaging namamahala upang makahanap ng mga pagkakamali sa mga sitwasyon at gawin itong mahirap hindi lamang para sa kanya kundi pati na rin sa ibang tao. Ang pagiging pesimistiko ay walang kabutihang naidudulot sa buhay at pag-iisip ng isang tao kung minsan pa nga ang naidudulot nito ay masama kaya dapat lamang na iwasan natin ito.

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na:

brainly.ph/question/1586585

#LetsStudy