Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

ano ang kahulugan ng mga salitang:umimbulog,nakatingas,tinigpas,sumimbad,ipinukol at gusi???

Sagot :

Ang mga sagot sa katanungan na “ano ang kahulugan ng mga salitang umimbulog, nakatingas, tinigpas, sumimbad, ipinukol, at gusi” ay ang mga sumusunod: (para sa dagdag kaalaman tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng “kasingkahulugan” tumungo rito: https://brainly.ph/question/985910)

Umiimbulog

Ang salitang ito ay nagmula sa salitang ugat na imbulog. May dalawang kahulugan ang salitang ito batay sa gamit. Unang kahulugan ay lumilipad paitaas. Pangalawa, kumakalat o nagiging matunog.  

Halimbawa:  

1. Umiimulog na ang eroplano nang siya ay nakarating sa airport. – Lumilipad paitaas  

2. Umimbolog ang pangalan ni Kian dahil sa pagkakapatay rito ng mga pulis. - Kumakalat  

Nakatingas  

Nakatingas o nakatinghas ibig sabihin ng salitang ito ay nakatindig o nakatayo.  

Halimbawa: Nakakatingas ng balahibo ang pelikulang The Ring.  

Tinigpas  

Ang salitang ito ay nangangahulugang pinutol o tinanggal. Ang iba pang kasingkahulugan ng tinagpas ay biniyak.

Halimbawa: Tinigpas ni itay ang puno ng mangga.  

Sumibad  

Ang salitang ito ay nangangahulugang umalis ng palihim.  

Halimbawa: Nang naging abala na ang mga tao sa bagong bisita, siya  ay sumibad na.  

Ipinukol  

Ang salitang ito ay galing sa salitang ugat na pukol. Ito ay nangangahulugang ibinato.  

Halimbawa: Sa galit niya, ipinukol niya ang hawak niyang bato sa lawa.    

Gusi  

Ang gusi ang tumutukoy sa mga malalaking banga.  

Halimbawa: Anak, parito ka at punuin mo ng tubig ang ating gusi.  

Para sa iba pang mga sagot para sa mga salitang nasa itaas, pumunto lamang sa link na ito: https://brainly.ph/question/127453.

Ang mga salitang nabanggit sa itaas ay pawang mga halimbawa ng mga salitang nanggaling sa diyalekong Tagalog. Ilan pa sa mga salitang maaaring maisalin mula sa isang salita patungo sa Tagalog o sa Filipino ay ang makikita sa mga link na ito: https://brainly.ph/question/937334.