IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

GUMAWA NG SARILING ALAMAT (need this po for my project)​

Sagot :

Answer:

"Ang Alamat ng Makopa"

May isang bayang Hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong o batingaw silang nagkakaloob sa kabilang kahilingan. Nabalitaan ito ng mga tulisan kaya nag-ambisyon silang nakawin Ang gong at ilipat ito sa ibang lugar. Sa takot ng mga tao sa pag salakay ng mga tulisan, ibinaon nila ang gong malapit sa gupat

Sumalakay ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan hanggang maitaboy nila paalis ang mga tulisan. Sa kasawiang palad, marami-rami rin ang namatay. Kabilang dito ang mga nag baon ng gong. Samakatuwid, walang makapagsabi kung saan nakatago ang gong.

Ilang taon na ang nakalipas ngunit wala paring nakakakita sa gong. Naghihirap na ang mga tao. Isang araw, isang bata ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng punong may bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na nawala). Inakyat ng bata ang puno at tinikman ang bunga, nasarapan sya kaya nag-uwi pa para sa kanyang mga kababayan. Nang makita ng mga kababayan nya ang bunga, naghinala sila na baka nandoon ang kanilang gong. Nagpuntahan ang mga tao roon at hinukay ang ugat ng puno. Totoo nga! sa ilalim niyon nakabaon ang gong na susi sa kanilang kasaganahan. Nakuha muli ang gong at nagkaroon pa nga punong may matamis na bunga ang mga taong bayan.

Explanation:

Sana makatulong, 30min akong nag type para jan 5:00am - 5:32am