IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ilarawan Ang sakit Na tonsilitis​

Sagot :

Answer:

Kapag ang Iyong Anak ay May Paringitis (Pharyngitis) o Tonsilitis (Tonsillitis)

Ang lalamunan ng iyong anak ay masakit. Ito ay malamang na dahil sa pamamaga (pamumula at pamamaga) ng lalamunan. Ang dalawang lugar ng lalamunan na madalas na apektado: ang lalaugan at tonsils. Ang paringitis (pamamaga ng lalaugan) at tonsilitis (pamamaga ng tonsil) ay pangkaraniwan sa mga bata. Mababasa sa talaang ito kung ano ang iyong magagawa upang ibsan ang pananakit ng lalamunan ng iyong anak.

Malambot na palate, Pharynx, Tonsil

Ano ang Nagsasanhi ng Paringitis o Tonsilitis?

Karamihan sa mga karaniwang, ang paringitis at tonsilitis ay sanhi ng viral o bacterial na impeksiyon.

Ano Ang Mga Sintomas ng Paringitis o Tonsilitis?

Ang pangunahing sintomas ng dalawang kondisyon ay pananakit ng lalamunan. Ang iyong anak ay maaari ring magkaroon ng lagnat, pamumula o pamamaga ng lalamunan, at kahirapan sa paglunok.

Paano Sinusuri ang Paringitis o Tonsilitis?

Titingnan ng healthcare provider ang lalamunan ng iyong anak. Maaaring pahiran ng swab (punasan) ng healthcare provider ang lalamunan ng iyong anak. Ang swab na ito ay susuriin para sa mikrobiyo na nagsasanhi ng impeksiyon na tinatawag na strep throat. Kung kailangan, gagawin ang blood test upang suriin kung may viral na impeksiyon, tulad ng mononucleosis.

Paano Ginagamot ang Paringitis o Tonsilitis?

Kung ang sanhi ng pananakit ng lalamunan ng iyong anak ay bacterial na impeksiyon, maaaring ireseta ng healthcare provider ang antibiotics. Kung hindi naman, maaari mong gamutin ang pananakit ng lalamunan ng iyong anak sa bahay. Para gawin ito:

Bigyan ang iyong anak ng acetaminophen o ibuprofen upang ibsan ang pananakit. Huwag bigyan ang iyong anak ng aspirin upang pawiin ang lagnat. Ang paggamit ng aspirin sa paggamot ng lagnat sa bata ay maaaring magsanhi ng malubhang kondisyon na tinatawag na Reye’s syndrome.

Bigyan ang iyong anak ng malamig-lamig na likido para inumin.

Pamumugin ang iyong anak ng mainit-init na tubig-asin upang maibsan ang pananakit. Ang nabibiling throat numbing spray sa botika ay maaari ring makatulong.

Ano Ang Mga Pangmatagalang Alalahanin?

Kung madalas magkaroon ng pananakit ng lalamunan ang iyong anak, ipatingin siya sa isang healthcare provider. Ang pagtanggal ng tonsil ay maaaring makatulong sa paghupa ng paulit-ulit na problema ng iyong anak.

Tawagan agad ang healthcare provider ng iyong anak kung ang iyong anak ay mayroon ng sumusunod:

Lagnat na 101.0°F o higit pa na tumagal ng higit sa 3 araw

Pananakit ng lalamunan na tumagal ng 2-3 araw

Pananakit ng lalamunan na may lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng tiyan, o pantal

Problema sa paglunok; paglalaway

Kahirapan sa paghinga o kailangang pumaling paharap upang makahinga

Problema na lubos na mabuksan ang bibig