Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Answer:
Ano ang maitutulong natin bilang isang mag-aaral sa ating bayan?
Mayroong mga bagay na magagawa ang mga mag-aaral natin upang makatulong sa pamayanan, at ito ay nararapat umpisahan habang maaga.
Narito ang aking nakikitang mga hakbang upang matulungan kabataan ang pamayanan:
1.Mag-aral ng mabuti.
2.Pag-isipang mabuti kung ano ang nais pag-aralan na kurso pagpasok sa kolehiyo.
3.Maging “involve” sa mga samahang may positibong layunin.
4.Tumulong sa pamilya.
5.Magtrabaho ng mabuti.
6.Mag-ipon at mag-aral mag-invest.
7.Pagmasdan at pag-aralan ang nangyayari sa sitwasyong politikal ng pamayanan.
Explanation:
Ang pag-aaral ng mabuti ay ang tanging magagawa ng isang estudyante para sa bayan, ito ang unang hakbang bago magkaroon ng “impact” sa pamayanan ang isang tao pagdating ng araw.
Hindi dapat masayang ang ibinayad ng inyong mga magulang sa mga paaralan kung kaya’t mahalaga na pag-isipan ng mabuti kung ano ang papasuking kurso pagdating ng araw.
Mga salik na dapat isipin sa paghahanap ng kurso:
Ano ang hilig ng mag-aaral
Mayroon bang kasalukuyan o inaasahang “demand” para sa mga kumuha ng kursong ito?
Mayroon bang seguridad ang kita sa hanapbuhay na ito?
Tanggap ko ba na ito ang maaari kung gawin ng matagal na panahon?
Makakabuti ang sumali sa mga organisasyong may positibong layunin, ito ang simula ng iyong pagkakaroon ng positibong epekto sa pamayanan.
Mga positibong gawain:
mag volunteer para tumulong sa komunidad lalo na sa panahon ng kalamidad.
Pagsama sa mga environmental organisations.
Maging “involved” sa mga charity.
Habang bata pa, makakabuti na tayo ay tumulong sa ating pamilya, mga gawaing bahay gaya ng pahuhugas ng mga pinagkainan, pagwawalis ng sahig, pagtulong sa pagbuhat ng mga pinamili at iba pa. Sa ganitong paraan ay mararamdaman ng kabataan ang kanyang kahalagahan at maiiwasan ang makasanayan ang ugali na pagiging pala asa. Tandaan na hindi habang panahon na nandiyan ang mga magulang kung kaya’t mahalagang masanay na maging “self reliant”.
Dadating ang araw na magtratrabaho na ang dating estudyante at tuluyan ng magsisimula sa tunay na mundo, inaasahang ang mga naituro at napagsanayan niya habang lumalaki ay gagamitin upangg makabuo ng mga tamang pagpapasya (wise decisions) kung kaya’t kailangan niyang magtarabaho ng mabuti, pahalagahan ang kanyang pinaghirapan at maging maalam sa kalagayang politikal ng bayan.
Bago makatulong ang isang indibiduwal sa pamayanan, mahalagang tulungan muna niya ang kanyang sarili, at kung marami ang magtatagumpay sa kanilang mga personal na buhay, magkakaron sila ng positibong epekto sa lipunan. Sa ganitong paraan lamang nila maaaring iabot ang kanilang mga kamay at tulong sa mga hindi pinalad sa buhay.
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.