Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Mga Solusyon Sa Suliraning Pangkapaligiran
Mahalagang masolusyonan ang mga suliraning pangkapaligiran sa lalong madaling panahon. Narito ang ilan sa mga pwedeng gawin upang masolusyonan ang mga suliraning pangkapaligiran:
- Magtapon ng basura sa tamang lagayan
- Huwag magsunog ng mga dahon at plastic
- Huwag mag-aksaya ng kuryente
- Magtanim ng maraming puno
- Huwag magputol ng mga kahoy
- Makilahok sa mga organisasyong nangangalaga sa kalikasan
Ang mga nabanggit ay simple lamang at kayang-kayang gawin ng sino man. Napakadali pero napaka-epektibo upang maibsan ang patuloy na pag-init ng pandaigdigang klima o global warming.
Ang isyu ng global warming (https://brainly.ph/question/2407609) ay isa sa mga tinututukan ng mga environmentalist sapagkat kinakikitaan ito ng lubhang mapanganib na dulot o epekto sa mundo.
Ang simpleng pagtatanim ng puno ay nakakatulong ng malaki upang maibsan o mabawasan ang mga greenhouse gasses sa atmosphere, sapagkat kinukuha ito ng mga puno. Ugaliin ang pagtatanim kaysa sa pagputol, iwasan ang gawain na pagputol ng punong-kahoy dahil walang saysay ang pagtatanim kung patuloy parin ang pagputol sa mga kahoy.
Ang pagsusunog din ng mga plastic at dahon ay nagko-contribute sa mga greenhouse gasses na naiipon sa atmosphere kaya mas lalong umiinit (https://brainly.ph/question/290936). Mainam na ang mga dahon ay gawin na lamang na pataba sa mga halaman. Samantala ang mga plastic ay maaaring i-recycle (https://brainly.ph/question/455064) upang magamit muli at mapakinabangan.
#BetterWithBrainly
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.