IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksperto. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang Banal na Imperyong Romano o Imperyo Romanong Banal (Ingles: Holy Roman Empire o HRE; Aleman: Heiliges Römisches Reich (HRR), Latin: Sacrum Romanum Imperium (SRI)) ay isang unyon ng mga teritoryo sa Gitnang Europa noong Gitnang Panahon sa ilalim ng pamumuno ng Banal na Emperador Romano. Nabuo ang Imperyo noong ika-10 siglo buhat sa sangay ng pamilyang Carolingian at dinastiyang Otto. Si Otto I ang unang Banal na Romanong Emperador noong 962 AD. Galing ang pangalan nito, Banal na Imperyong Romano mula sa paniniwala ng pamunuan nito noong Gitnang Panahon patungkol sa pagiging banal, sa desisyong ito ay ang pagpapatuloy ng pamamayagpag ng Imperyong Romano at ang pagpapatupad ng kagustuhan ng Diyos sa pamamaraang Kristiyano.
Unang ginamit ang pariralang Sacrum Imperium noong 1157, sa panahon ni Frederick Barbarossa (1122-1190) habang ang Sacrum Imperium Romanum naman ay lumitaw lamang 1184, at may kaukulang pamantayan na gagamitin lamang hanggang 1254. Nadagdag lamang ang bahaging Nationis Germanicae (Bansang Aleman) noong ika-15 siglo. Sa pagtagal ng panahon, lumawak ang nasasakupan ng Imperyo kung saan napabilang ang maraming bansa sa gitna at katimugang Europa, gaya ng Kaharian ng Alemanya, sa Kaharian ng Italya, at sa Kaharian ng Borgonya; mga teritoryong hawak ng kasalukuyang Alemanya (maliban sa Katimugang Schleswig), Austria (maliban sa Burgenland), Liechtenstein, Swisa, Belhika, ang Netherlands, Luxembourg, Republikang Czech, Slovenia (maliban sa Prekmurje), mga mahahalagang bahagi ng Pransiya (Artois, Alsace, Franche-Comté, Savoie at Lorraine), Italya (Lombardy, Piedmont, Emilia-Romagna, Tuscany, at Timog Tyrol) at Polonia (Silesia, Pomerania, at Neumark). Sa buong kasaysayan ng Imperyo ito ay hinati-hati lamang sa maliliit na mga prinsipalidad, mga dukado, mga kondehan, mga Malayang Siyudad ng Imperyo at iba pang maliliit na yunit. Bagamat tinataglay nito ang pangalang Romano, kailanman ay hindi napabilang ang siyudad ng Roma sa Imperyo. Ang lungsod ng Roma noong panahong yaon ay kontrolado ng Santo Papa.
Dahil sa pagpasok ng malakihang pagbabago at pagiging moderno ng Europa noong mga huling bahagi ng ika-16 at ika-17 siglo, halos lumiit ang kakayahan ng Imperyo na maglunsad ng mga opensiba at digmaan upang lalo pang mapalawak ang teritoryo nito. Kaya naman sa mga panahong ito, mas binigyang-pansin ng Imperyo ang pagtatanggol sa pansarili nitong batas at pagpapatupad ng kapayapaan sa nasasakupan. Upang mapanatili ito sa kapangyarihan at bilang paglalaro sa kakayahan ng pansariling interes, binigyan ng Imperyo ng proteksiyon ang mangilan-ngilang mga prinsipe at panginoon kasabay ng pagbibigay-diin sa maliliit na pagsuway sa kautusan ng Imperyo. Noong 1648, ang mga teritoryo at kaharian sa paligid ng Imperyo ay unti-unting napabilang sa tinatawag na estado ng Imperyo (imperial states), kung saan napanatili nito ang kapayapaan sa mahabang panahon.
Noong pumasok ang ika-18 siglo, lumakas ang kapangyarihan ng ibang bansa sa labas ng Imperyo, kung saan hindi na nito kaya pang protektahan ang mga estado nito buhat sa palisiya at impluwensiya ng mga ibang kaharian. Ito ang isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyo. Dahil sa mga pananakop ng digmaang Napoleoniko at kaalinsabay na pagtatatag ng Kumpederasyon ng Rino, unti-unti nang bumaba ang kapasidad ng Imperyo na pamunuan ang iba pang mga estado. Noong 6 Agosto 1806, opisyal na bumagsak ang Imperyo nang maghain ng pagbaba sa trono ng huling emperador na si Francis II.
Explanation:
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!