IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

Mag bigay ng kahulugan ng alamat

Sagot :

Answer:

isang kwento na binubuo upang magturo ng isang aralin

Answer:

ALAMAT

Ang Alamat ay isang kwentong bayan na nagsasaad kung paano nabuo at ano ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo. Ang alamat ay isang malikhaing akda na parte ng panitikan ng Pilipinas. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa kahulugan ng alamat ay narito.

Kahulugan ng Alamat

Ang alamat ay kwentong bayan na naglalahad kung saan nagmula ang mga bagay sa mundo. Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na nagdulot ng pagkabuo ng mga tunay na tao, pook o bagay sa mundo. Ang mga alamat ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon. Ang mga alamat ay may naibabahaging magandang asal, katulad ng pagiging masipag, matapat, mapagmahal, at iba pa.

Halimbawa ng mga Alamat sa Pilipinas

Ang halimbawa ng alamat sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:

Alamat ng Pinya

Alamat ng Saging

Alamat ng Ampalaya

Alamat ng Pinya

- nagsasaad ang pinagmulan ng pinya at nagbabahagi ng aral ng pagiging masunurin at masipag

Alamat ng Saging

- nagsasaad ang pinagmulan ng saging at nagbabahagi ng aral ng pagiging pasensyoso at maunawain.

Alamat ng Ampalaya

- nagsasaad ang pinagmulan ng ampalaya at nagbabahagi ng aral ng pagiging kontento.