IDNStudy.com, ang iyong platform para sa mga sagot ng eksperto. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

Kababaihan noon at kababaihan ngayon

Sagot :

Answer:

noon

BABAE NOON AT NGAYON, ANONG PAGKAKAIBA?

Mga babae'y itinuturing na bulaklak sa mundo

Nakakaakit sa mata ng mga kalalakihang maginoo

Katuwang sa lahat sa mga barakong binuo

Kaya huwag 'nyong sayangin ang mga pagpupuring ito

Dumako na tayo sa ibang banda

Mga kababaihan noon at ngayon aking ikukumpara

Saang panig kayo nagkamali sa paggawa

Positibo't negatibo, nakakabuti't nakakasama

Kung noon, mga babae ay napakakonserbatibo sa katawan

Kasuotan ay nababalot sa buong katawan na para bang suman

Makikita mo nalang sa kanila daliri't talampakan

Pagkabirhen makikita mo talaga sa kabuuan

Pero ngayon parang kapos na sa tela

Kulang na lamang hubad na katawan ilantad sa mga madla

Walang pake sa mga taong nakakakita

Kulang na lamang sabihang "hoy miss nakikitaan kana"

Kung noon, mga babae ay nakapirme sa bahay

Tumutulong sa gawain ni nanay

Nagwawalis ng walang humpay

Makikita mo talaga sa kanila ang pagkadalagang pilipina ay buhay na buhay

Pero ngayon nasa computer shop buong hapon nakatambay

Kung hindi man makipag-chismisan sa kapit-bahay

Mga mata'y palaging nakatuon sa dumadaan na parang si bantay

Buong hapon naglakwatsa pag-uwi walang saing sa bahay

Kung noon angking pagkabirhen inaalagan

Mgavmanliligaw pinapapunta sa tahanan

At sa pagsapit ng gabi mga babae ay hinaharanahan

Kinikilatis mula ulo hanggang talampakan masigurado lamang ang kaligtasan

Ngayon pagkabirhen ay di na mahalaga

Ibininta pa ito sa mga banyaga

Makikita mo nalang nabuntis ngunit walang asawa

Dahil sa nakipagkita ni ondong at sa dilim pa ang sadya

Kung noon mga kababaihan ay natatakot makipagrelasyon

Baka hahabulin ni itay ng itak at patayin

Pero ngayon tig dadalawa na ang inangkin magsasabunutan pa kung kakailanganin

May schedule pang kailangang sundin

Huwarang babae nasan na?

Respetu't dignidad sa sarili bakit naglaho na?

Sakitin na pala ang bansa nating sinilangan

Dahil ang ibang babae ay kanser na sa lipunan