IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

ano ang nagawa ni jose palma sa ating bansa???

Sagot :

Si Jose Palma ang nagsulat ng titik ng ating pambansang awit. Ang kanyang mga tula ay naging mahalagang bahagi ng ating panitikan. Dahil sa pagmamahal niya sa bayan sumama siya sa pakikipaglaban ng Unang Sigaw sa Balintawak noong Agosto, 1896 sa ilalim ni Heneral Servillano Aquino. Sumama din siya sa himagsikan laban sa mga Amerikano.

Sino si Jose Palma?

Si Jose Palma ay nakilala bilang isang sundalo at makatang Pilipino. Ipinanganak noong Hunyo 6, 1876 sa Tondo, Maynila. Anak siya nina Hermogenes Palma at Hilaria Velasquez.

  • Nakasama siya sa editorial staff ng pahayagang La Independencia.
  • Kalaunan ay naging hanapbuhay niya ang pagsusulat.
  • Ang kanyang mga tula ay pinagsama-sama sa isang aklat na tinawag na “Melancolicas” (Mga Panimdim) ipinalimbag ito ng kanyang kapatid na si Dr.Rafael Palma.
  • Siya ay namatay noong Pebrero 12, 1903 sa edad na 30.

Mga akda ni Jose Palma

  • Filipinas
  • De Mi Jardin (Mula sa Aking Hardin)
  • Rizal en la Capilla
  • Al Album Muerto
  • Filipinas Por Rizal Al Martir Filipino at La Ultima Vision
  • Iluciones Marcitas

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito:Sino gumawa ng lyrics ng lupang hinirang:https://brainly.ph/question/103782

#LetsStudy