IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
Sagot :
Answer:
Marami ang nagsasabi na hindi na mahalaga kung mali-mali ang grammar mo sa paghahayag ng iyong gustong sabihin, basta raw ba naiintindihan ang gustong mong sabihin. Ang problema na nga e, kung mali-mali ang gamit mo ng wika e hindi mo maihahayag nang maayos at nang eksakto ang gusto mong sabihin. At dahil diyan, naiiba tuloy ang pagkakaintindi sa nais mong ipahayag.
Karamihan ng di pagkakaintindihan ng mga tao e bunga lang ng di maayos na paggamit ng wika. Lalo na sa komunikasyon na ang tanging gamit e pagsusulat, tanging mga salita at pangungusap lang umaasa ang mga tao para maihayag ang gustong sabihin. Kaya dahil diyan, mapagtatanto talaga kung gaano kahalaga ang tamang paggamit ng lenggwahe–Filipino, English, o anumang wika ang iyong gamit.
Sa Madaling Salita
Responsibilidad ng bawat tao na pagyamanin ang kanyang kaalaman sa paggamit ng pinakamahalagang armas ng komunikasyon. Dahil kung habang nagiging bihasa ka sa tamang paggamit ng wika e mas nababawasan ang di pagkakaintindihan ng bawat tao.
Kaya dapat ay ating pagyamanin ang ating kaalaman sa tamang paggamit ng wika–Filipino, English, o anumang lenggwahe ang ating madlas na ginagamit sa pakikipagusap o pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa.
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.