IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (30 Agosto 1850 - 4 Hulyo 1896), kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel.[1] Pinalitan niya si Graciano López Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad.[2]
KAMATAYAN
Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi siya kumakain at may panahong hindi narin natutulog ang manunulat. Upang makalimutan ang gutom, may panahong namumulot siya ng upos na sigarilyo sa mga daan.[13] Ang pondo para sa pag-papalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking suliranin sa kanya ang walang tulong pinansiyal na dumarating mula sa Pilipinas dahilan kung bakit huminto ang paglalathala ng pahayagan noong 15 Nobyembre 1895 sanhi ng kakulangan sa pondo.[2] Kahit gaano ang hirap na dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat para sa ikalalaya ng Pilipinas.
Katulad ni Andrés Bonifacio, naniwala siya sa paghihimagsik. Dahil dito, nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas upang tumulong kay Bonifacio. Sa Barcelona ay nagkasakit siya ng tuberkulosis. Malubha man ang kalagayan ay tinangka pa rin niya na magtungo sa Hong Kong upang doon man lang ay mapakilos niya ang kanyang mga kababayan. Ito ay hindi na niya naisagawa sapagkat namatay siya sa isang maliit na ospital sa Barcelona, Espanya noong 4 Hulyo 1896 sa gulang na 45.[14]
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.