IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksperto. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

pasagutan po need ko na po​

Pasagutan Po Need Ko Na Po class=

Sagot :

Answer:

KOMISYONG SCHURMAN

Namuno:

  • Jacob Schurman

Kailan Nilikha:

  • Enero 20, 1899

Layunin:

  • Layunin ng Komisyong ito na siyasatin at alamin ang kalagayan ng Pilipinas upang maging batayan ng mga planong pagbabago na gagawin ng United States.Hangad din ng komisyong ito na ipaalam sa mga Pilipino ang layunin ng United States na tulungan ang Pilipinas na magtatag ng isang pamahalaan.Nais din nito na maging maayos ang ugnayan ng mga Amerikano at mga Pilipino dahil malaki ang maitutulong nila sa paglaganap ng kanilang kapangyarihan sa Asia.

Rekomendasyon:

  • Ang Pagsasarili ng Pilipinas ay hindi pa napapanahon.
  • Ang Pamahalaang Sibil ang maaari nang itatag sa Pilipinas kapalit ng Pamahalaang Militar.
  • Pagbuo ng Tagapagbatas bilang Sangay ng Pamahalaan.
  • Pagtatag ng Pamahalaang Lokal.
  • Pagkakaloob ng mga karapatang Sibil para sa lahat.

KOMISYONG TAFT

Namuno:

William Howard Taft

Kailan Nilikha:

Marso 16, 1900

Layunin:

  • Ipatupad ang mga Rekomendasyon ng Komisyong Schurman.

Rekomendasyon:

  • Pagtatatag ng Pamahalaang Sibil kapalit ng Pamahalaang Militar.
  • Pagtatatag ng Pamahalaang Lokal, Serbisyo Sibil, at Konstabularyo ng Pilipinas.
  • Pagganap bilang tagapagpayamapa at tagapagbatas.
  • Pagbibigay ng halagang =P= 2 Milyon para sa paggawa ng mga tulay at daan.
  • Pagtatatag ng libreng pag-aaral sa elementarya at paggamit ng wikang Ingles sa mga paaralan.
  • Paghihiwalay sa kapangyarihan ng Simbahan at Estado.