Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

saan tinamaan si dr. jose rizal nung sya ay binaril?

Sagot :

Answer:

Si Dr. Jose Rizal

Namatay si Dr. Jose Rizal noong Disyembre 30,1896 sa Bagumbayan sa Manila na ngayon ay Luneta Park. Pinatay si Rizal gamit ang baril ng mga Kastilla, patalikod itong binaril ngunit bigla siyang humarap sapagkat ang ibig sabihin ng patalikod na pagbaril ay pagtataksil sa bayan at siya ay tinamaan sa kanyang dibdib. Pinatay siya ng mga Kastila dahil sa kanyang mga sinulat na nobela na naglalaman ng mga pang-aalipin at pang-aabuso ng mga Kastila sa mga Pilipino.

Ang kabuuang pangalan ni Dr. Jose P. Rizal ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Siya ay isa sa labing-isang anak nina Francisco Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Alonso Realonda y Quintos. Sila ay dalawang magkapatid na lalaki ng kanyang Kuya Paciano.  

Si Dr. Jose Rizal ay ipinanganak sa Calamba, Laguna noong June 19,1861. Bukod sa Jose, tinatawag rin siyang ‘Pepe’ sa kanilang lugar. Siya ay masasabing isang matalinong bata. Siya ang tinaguriang pambansang bayani, siya ay ipinadala ng kanyang mga magulang sa ibang lugar upang mag-aral. Siya ay naging doktor sa mata at naging manunulat ng mga nobela at tula, siya ang may-akda ng tanyag na nobleang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na naging pamamaraan niya sa pagtatanggol sa bansang Pilipinas. Idinadaan niya ito sa kanyang mga panulat kaya't siya ay naresto at hinatulan ng kamatayan.  

Namatay si Dr. Jose Rizal noong Disyembre 30,1896 sa Bagumbayan sa Manila. Sa kasalukuyan, mayroon siyang mga monumento sa Luneta Park, Manila, Calamba, Laguna, at Camarines Norte.

Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa link na nasa ibaba:  

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal: brainly.ph/question/576815

#LetsStudy