Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Explanasyon:
"Daig ng maagap ang masipag"
Agap at Sipag, bakit ang dalawang salitang ito at magkarugtong sa kasabihang nais natin bigyan ng kahulugan.
Simulan natin sa pagiging MASIPAG. Alam nating lahat na kung ikaw ay masipag makakamtan mo ang ano mang nais mong gawing. Matatapos ang mga gawaing sinimulan at magagawa mo ang mga mithiin sa buhay.
Ngunit hndi lingid sa ating kaalaman na hindi lamang Sipag ang susi sa tagumpay. Isa sa sangkap ng pagiging matagumpay sa ating mga mithiin ay ang pagiging MAAGAP.
Atin munang bigyan ng kahulugan ang salitang AGAP. Ang ibig sabihin nito ay pagiging mabilis, maaga at nangunguna. ang pagiging Maagap ay nangangahulugan na tayo ay mabilis magdesisyon sa ibat ibang pagkakataon.
Maihahalintulad natin ito sa mga langgam. Mapapansin natin na kapag may mga piraso ng pagkain na nalaglag sa sahig, matapos ang ilang minuto ay hitik na ng laggam ang lugar na kung saan nalaglag ang butil ng pagkain.
Ang pagiging MAAGAP sa lahat ng bagay kapag sinama natin sa KaSIPAGAN tiyak na marami tayong matatapos na gawain.
_
Para sa karagdagang pakahulugan ng kasabihang ito:
https://brainly.ph/question/529629
https://brainly.ph/question/335962
_
#LearnWithBrainly
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.