IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng komunidad at eksperto. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

alin ang ahensya ng gobyerno na dapat nating tinatawagan tuwing may sunog​

Sagot :

Bureau of Fire Protection:

Ang ahensya ng gobyerno na dapat tinatawagan tuwing may sunog ay ang Bureau of Fire Protection. Ang Bureau of Fire Protection ay responsable sa seguridad ng publiko laban sa mapaminsalang sunog sa mga gusali, kabahayan, at iba pang establisyimentong may kaparehong istruktura, mga kagubatan, pampublikong sasakyan at kagamitan, barko, pantalan, daungan, at mga deposito ng mga produktong petrolyo.

Ang ahensiyang ito ay kumikilos sa direktiba ng Department of Interior and Local Government. Ang kanilang pangunahing tungkulin ay ang mga sumusunod:

  1. pagpapatupad ng Fire Code of the Philippines (PD 1185) at iba pang kaugnay na batas
  2. mag - imbestiga ukol sa sanhi ng sunog at kung kinakailangan ay magsampa ng reklamo kaugnay ng insidente ng sunog
  3. sa panahon ng national emergency, sila ay katuwang ng mga militar alinsunod sa utos ng Pangulo ng bansa
  4. magtalaga ng isang fire station na may mga personnel at kagamitan bawat munisipalidad at probinsya.

Keywords: ahensya ng gobyerno, sunog

Ano Ang Tungkulin ng Bureau of Fire Protection: https://brainly.ph/question/2881431

#LetsStudy