IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.
Sagot :
KATUTUBONG SINING
- Amg mga katutubong sining ay tunay na maipagmamalaki ng ating bansa sapagkat maituturing ito na isang pamana ng lahi.
- Ang katutubong sining o folk art ay mga sining na nilikha o ginawa ng mga partikular na mga katutubong pangkat sa Pilipinas na may kakaibang kagandahan at disenyo na hanggang sa panahon ngayon lumalaganap parin at patuloy na naghuhumaling.
- Ang Pilipinas ay mayaman sa mga pangkat o tribo-etniko tulad ng Ifugao, Bontoc, Tboli, Bagobo, Marano, Yakan at iba pang pankat na may sari- sariling kultura na pinagyayaman.
MGA HALIMBAWA NG KATUTUBONG SINING
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng katutubong sining:
- Hagdan-hagdang palayan o rice terraces - Matatagpuan ito sa Banaue. Isa ito sa 8 Wonders of the World at itinuturing na World heritage site.
- Bulul - Ang Bulul (Bul-ul) ay isang katutunong sining na nililok sa paanyong tao na may kahawig sa mga dios-diosan ng mga katutubo
- Taka o Paper Mache - Kilala itong sining sa Paete, Laguna. Isa na ito a pangunahing tumutulong sa ekonomiya ng Paete sapagkat ineexport na nila ito.
- Okkir ng Maranao - Ito ay isang kakaibang disenyo na gawa ng mga Maranao. Tumutukoy ito sa geometriko at paikot-ikot na halamang baging na disenyo na ginagamit bilang motif sa sining at kagamitan ng Maranao at iba pang muslim sa Mindanao.
Kahulugan ng sining
https://brainly.ph/question/815050
Prinsipyo ng sining
https://brainly.ph/question/2580442
Sining ng Sumerian
https://brainly.ph/question/911289
#LetsStudy
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.