Magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

ibat-ibang uri ng pangungusap

 

Sagot :

Subject: Filipino

Answer:  

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN

1, ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang buong diwa lamang. Ngunit nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri.  

2. Ang tambalang pangungusap ay nagtataglay ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa.  

3. Ang Hugnayang pangungusap naman ay may sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di- makapag-iisa. Kadalasang ang mga sugnay na di makapag-iisa ay ginagamitan ng mga panandang pangkayarian ( ngunit, nang, kung, subalit, upang, di umano, bagama’t at iba pa).  

4. Ang langkapang pangungusap naman ay may dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa o dalawa o higit pang sugnay na di makapag-iisa.  

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA TUNGKULIN

1. Ang pangungusap na paturol ay yaong mga pangungusap na nagsasalaysay ng isang katotohanan batay sa tunay na nangyayari o naganap. Ito ay karaniwang nilalagyan ng tuldok sa hulihan(.) bilang panapos na pangungusap.  

2. Ang pangungusap na Patanong ay nagpapahayag ng pag-uusisa o patanong. Gumagamit ito ng bantas na panandang pananong (?).  

3. Ang pangungusap na pautos ay nagpapahayag ng pag-uutos o pakikiusap. Ito ay  gumagamit ng bantas na tuldok(.) o maaari rin namang gumagamit ng panandang pananong(?).  

4. Ang pangungusap na padamdam naman ay gumamit ng bantas na padamdam(!) upang ipahayag ang masidhing damdamin, pagkagulat o pagkabigla.    

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paksa, buksan ang link na nasa ibaba

Uri ng pangungusap:  brainly.ph/question/2070363

Uri ng pangungusap at halimbawa ng mga ito: brainly.ph/question/2119076

2 uri ng pangungusap: brainly.ph/question/1379957