Si Estelle “Stella” Zeehandelaar ay isang babaeng Dutch o Olandes na tampok sa mga serye ng sulat ng isang prinsesang taga-Java na si Raden Adjeng Kartini, na ngayon ay kinikilalang isang tanyag na tagapag-tatag ng karapatan ng kababaihan sa Dutch East Indies, ngayon ay Indonesia. Inihayag ni Kartini kay Zeehandelaar ang kagustuhan niyang maging isang batang Olandes dahil narin sa mga nararanasan paghihirap ng mga kababaihan noon sa Indonesia.