Makakuha ng maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

ano ang kahulugan ng namumuhi?

Sagot :

Kahulugan ng Namumuhi

Ang salitang namumuhi ay binubuo ng panlapi at salitang ugat na muhi. Ang kahulugan nito ay matinding damdamin ng isang tao na dulot ng galit o poot. Ang taong namumuhi ay nasusuklam, naiinis, nasusuya o nayayamot. Maraming sanhi ang nagdudulot ng pagkamuhi. Ito ay maaaring dahil sa pagtataksil, panloloko, pagsisinungaling o iba pang maling gawi.

Mga Halimbawang Pangungusap

Narito ang ilang pangungusap gamit ang salitang namumuhi upang mas maintindihan pa ito:

  • Marami ang namumuhi kay Lesley sa trabaho dahil hindi niya inaayos ang kanyang mga gawain.

  • Mali man ngunit namumuhi ako sa aking ama dahil iniwan niya kami.

  • Namumuhi ang mga tao sa bagong presidente ng bansa dahil hindi niya tinutupad ang kanyang mga pinangako.

Malalim na salitang Tagalog at kahulugan nito:

https://brainly.ph/question/2752020

#LearnWithBrainly