IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
ALITUNTUNIN
Ang terminong alituntunin ay ang mga batas o mga prinsipyo ng moralidad bilang ang batayan ng kabutihan at kasamaan. Ito ay tinatawag na mga regulasyon na dapat sundin o dapat gawin. Tinutukoy din ito bilang direksyon o mga ordinansya.
Mahalaga sa isang grupo ang mga alituntunin upang mapanatiling matibay, payapa at sagana ito. Umiiral ang isang lipunan na may matibay na alituntunin. Kasama dito ang pagsunod mismo ng miyembro o mamamayan nito. Dahil kung hindi din ito iginagalang, ito pa mismo ang makasisira sa matibay, payapaat masaganang buhay.
Kahulugan ng alituntunin ay higit na mababasa sa link na ito: https://brainly.ph/question/61137.
Halimbawa ng Alituntunin sa Paaralan
- Pagpasok sa paaralan sa takdang oras araw-araw na malinis at maayos ang katawan. Hindi pahihintulutang pumasok sa loob ng paaralan ang mga mag- aaral na pumapasok ng napakaaga at hindi sumusunod sa itinakdang oras.
- Pagsusuot ng malinis na uniporme, puting medyas at sapatos sa pagpasok sa paaralan.
- Pagsusuot ng ID sa oras na pumasok ng paaralan at iwasang ito ay tanggalin para sa kanilang pagkakakilanlan . Ipatutupad din ang “No ID, No Entry Policy.” Ang libreng I.D. na ibibigay sa bawat mag-aaral ay dapat nilang ingatan. Kung sakaling ito ay mawala, kailangan ng ipagbigay alamkaagad sa gurong tagapayo.
- Ang mga lalaking mag-aaral ay hindi pinahihintulutang magsuot ng hikaw samantalang ang mga babae ay hindi pinahihintulutang magsuot ng higit pa sa isang pares na hikaw. Hindi rin pinahihintulutan ang pagsusuot bullcap o sombrero ng mga lalaki sa loob ng paaralan lalo na sa oras ng klase.
- Pagpapanatili ng nararapat na gupit ng buhok sa mga lalaki. Hindi pinahihintulutan ang may ibang kulay na buhok para sa lahat ng mag-aaral.
- Tuwing Lunes ay magkakaroon ng Flag Raising Ceremony na dapat daluhan ng lahat ng mga mag-aaral. Upang magkaroon ng kaayusan at mapanatili ang disiplina sa Flag Ceremony, ang gate ng paaralan ay isasara kapag nag-umpisa na ang seremonya at mananatiling nakasara hanggang hindi ito natatapos kung kaya’t ang mga mag-aaral ay nararapat na pumasok nang maaga tuwing Lunes upang makadalo sa gawaing ito.
- Kapag nakapasok na sa loob ng paaralan ang mga mag-aaral ay inaasahang pupunta sa kanilang itinakdang lugarat maupo nang tahimik habang hinihintay ang tamang oras ng klase. Hindi pinahihintulutan ang paghahabulan at paglalaro upang maiwasan ang anumang sakuna.
- Ingatan ang lahat ng mga kagamitan ng paaralan kabilang na ang mga aklat, upuan, kagamitan sa kantina, mga halaman at iba pa. Anumang bagay, kagamitan o pasilidad ng paaralan na napatunayang sinira ng intensyonal ay pananagutan ng mag-aaral na nakasira.
- Iwasan ang pagliban sa klase ng walang sapat na dahilan:
- Ang sinumang lumiban ay kailangang magbigay ng “excuse letter” sa gurong tagapayo sa bawat pagliban sa klase na galing sa magulang/guardian sa kanyang muling pagpasok sa klase.
- Kung magkakasakit magdala ng “medical certificate’.
- Ang sinumang mag-aaral na lumiban sa klase ng sampung araw na sunod-sunod ay kailangang makipag- ugnayan ang magulang/guardian sa gurong tagapatnubay.
- Cutting classes: Ipatatawag ang magulang ng mga batang mahuhuling tumatakas sa klase.
Mayroon ding mga alituntunin sa pamilya at sa lipunan. Basahin sa link na ito: https://brainly.ph/question/937310, https://brainly.ph/question/1395975.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.