Ang ibig sabihin ng nagulumihan ay naguguluhan o nalilito at hindi muna makapagbibigay ng desisyon tungkol sa isang bagay. Ang ganitong uri ng pakiramdam ay nararanasan ng isang taong nasa isang sitwasyon kung saan kailangan niyang magbigay ng desisyon o mamili, maaaring sa dalawang tao, bagay o sitwasyon. Napakahalaga ng desisyong kanyang ibibigay kaya't mahalaga din na ito ay pag-isipan ng maigi at hindi maiaalis sa taong gagawa ng desisyon ang magulumihan o malito at maguluhan dahil malamang kapwa mahalaga ang dapat niyang pagpilian.