Makakuha ng mga payo ng eksperto at detalyadong mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ano ang mga karapatang pantao?

Sagot :

ANO-ANO ANG KARAPATANG PANTAO

Ang Karapatang pantao ay nahahati sa dalawang uri:

1. Karapatang pang indibidwal

Ang karapatang pang indibidwal ay nahahati sa :

  • Karapatang sibil
  • Karapatang politikal
  • Karapatang panlipunan
  • Karapatang pangkabuhayan
  • Karapatang kultural

2. Karapatang pangkatan

Ang karapatang  pangkatan ay nahahati sa:

  • karapatan sa pagpapaunlad ng kabuhayan
  • Karapatan sa lipunan
  • Karapatang kultural

Sa Pilipinas ano ang batas na tumutulong upang maprotektahan ang mga karapatang pantao?

  • Sa Pilipinas ang karapatang pantao ay nakapaloob sa Bill of Rights Artikulo III ng 1987 konstitusyon

Nakasaad sa konstitusyon na ang mga Pilipino ay may :

1. Karapatang mamuhay

  • Ang mga Pilipino ay may karapatan na hindi alisan ng buhay, kalayaan o ari-arian nang hindi naaayon sa pag-uutos ng batas. Hindi din dapat siya pagkaitan ng pangangalaga ng batas.

2. Karapatan na magkaroon ng kapanatagan sa sarili, pamamahay, papeles at mga bagay-bagay

  • Sinisigurad ng saligang batas na hindi basta-basta paparusahan ang mga Pilipino. Hindi din dapat hulihin ang mga Pilipino hanggat walang warrant of arrest o walang malinaw na dahilan ng pagkaka huli. Hindi din dapat samsamin o halughugin ang kanyang mga ari-arian ng walang  pagpapasya ng hukom.

3. Karapatan sa komunikasyon

  • Hindi din dapat hadlangan ang pakikipag-komunikasyon ng isang tao maliban na lamang kung ikakapahamak ito ng sangkatauhan o ipinag-uutos ito ng hukuman.

4. Karapatang pagka pantay-pantay sa harap ng batas

  • Hindi dapat tanggapin para sa anumang layunin ang mga ebidensiya nang hindi naaayon sa sinusundang seksiyon.
  • Hindi din dapat pilitin ang tao na sumaksi sa kanyang sarili.
  • Hindi dapat makulong kung ang tao ay may sariling paniniwala at hangaring pampulitika.
  • Hindi dapat labis-labis ang pagmumulta. Ang kamatayan ay dapat isakdal lamang sa kasuklam-suklam na krimen.

5. Karapatan sa kalayaan sa pagsasalita

  • Hindi dapat pagbawalan ang isang indbidwal o grupo man na magsalita o magpahayag ng kanilang saloobin tulad ng pagtitipon at magpetisyon sa pamahalaan upang mailahad ang kanilang mga hinaing.

6. Karapatan sa pagpili ng relihiyon

  • Ang lahat ay may karapatang pumili at magtatag ng relihiyon ang lahat ay may karapatang  magpahayag at magsamba.

7. Karapatan nga pumili ng matitirahan

  • Ang bawat Pilipino ay hindi dapat pagbawalan sa pagpili ng matitirahan at magbago ng tirahan.

8. Karapatang panlipunan

  • Karapatan ng Pilipino na sumali o makilahok sa mga organisasyon o samahan kung ito ay makabubuti ng kanilang kapakanan.

Ano ang bill of rights basahin sa :

brainly.ph/question/1270876

Kahalagahan ng bill of rights:

brainly.ph/question/2526920

Nilalaman ng bill of rights:

brainly.ph/question/2142563