IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
THAILAND
Sobrang napakalaki ng impluwensya ng mga bansang India, China at Cambodia sa Thailand. Ang Kaharian ng Thailand ay kilala sa ngalang "Siam" noon. Ang kahulugan ng "Thailand" ay “Land of the free" kung saan naging bansag ito kanilang lugar (Ang ibig sabihin ng "Thai" ay "free" o "kalayaan"). Tinagurian ding “Land of smiles” ang bansang ito.
Explanation:
Bandila ng Thailand
Ang pangalan kanilang bandila ay Thong Trairong (ibig sabihin ay Tricolour Flag). Binubuo ito ng tatlong kulay na may iba't ibang kahulugan. Ang kulay pula ay sumasagisag sa bansa at dugo ng buhay. Ang kulay bughaw ay sumasagisag sa monarkiya. At ang kulay puti ay sumasagisag naman sa kadalisayan ng Buddhismo.
Relihiyon
Ang Thailand ay isang Buddhist Country. Naniniwala ang mga Thai kay Buddha. Sa Thailand matatagpuan at nakikita ang “Largest Gold Buddha in the World”
Populasyon
94%-95% na Theravada Buddhist
1% na Kristiyano at iba pang mga relihiyon.
Paniniwala
Sila ay naniniwala din sa mga Espiritu. Ang mga paniniwala nila sa mga maliliit na bahay doon na gawa sa kahoy ay tinitirahan ng mga buhay na Espiritu kung saan nag aalay sila dito ng pagkain at inumin upang mapanatiling masaya ang mga Espiritong nakatira dito.
Pamumuhay
Ang pamumuhay at kultura ng Thailand ay tanging naiimpluwensiyahan lamang ng mga bansang karatig nito, pero mas na impluwensiyahan ito ng Tsina at India. Mahilig sila sa sining. Napaka-unlad ng kanilang sining na makikita sa pamamagitan ng kanilang mga pananamit, gusali, disenyo, palamuti, at mga pagtatanghal.
Isa sa mga nakasanayan ng mga taga-Thailand ay ang pagbati sa mga turista ng may ngiti. Kung kaya ito'y tinawag nila na “Land of Smiles” ang bansa.
Wikang Siam o Gitnang Thai ay ang pambansa at opisyal na wika ng Thailand at ang katutubong wika ng mga Thai, ang pinakamalaking pangkat etniko ng Thailand. Ang tradisyonal na mga kasuotan at damit ay tinatawag na "Chut Thai" (Thai Outfit). Maaari itong isuot ng mga lalaki, babae at bata.
Ang ikinabubuhay ng mga Thai ay paghahabi o paglika mismo ng kanilang mga kasuotan, pag-aani, pagsasaka, at pangingisda. Kilala rin ang kanilang bansa sa floating market o mga pangangalakal ng nasa bangka habang bumabaybay ng anyo ng tubig.
Ang mga palatandaan sa Thailand ay ang mga sumusunod:
- Bandila ng Thailand
- Largest Golden Buddha
- Lumang litrato ng dalagang aktor na nagtatanghal ng Lakhon (isang uri ng dula).
- Floating market sa Bangkok, Thailand
- Phra Maha Chedi Si Ratchakarn sa Wat Pho, Bangkok
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.