IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Tinutugis
Kahulugan:
Ang salitang ito ay isang pandiwa na mula sa salitang ugat na tugis na ang ibig sabihin ay usig o habol. Kung ito ay isasalin sa parehong kayarian, ito ay magiging inuusig o hinahabol na kung saan ang salitang ugat na usig at habol ay nilagyan din ng unlapi. Ang katagang ito ay karaniwang ginagamit upang ipahayag ang saloobin ukol sa mga taong may paglabag sa batas maging ito man ay batas ng tao o batas ng Diyos. Ang sinuman na nagdudulot ng dalamhati o pasakit sa iba bunga ng kanilang mga paniniwala o estado sa lipunan ay nararapat lamang na tinutugis ng batas o ng may kapangyarihan.
Halimbawa:
Tinutugis si Mando ng mga pulis kaya naman ilang araw na siyang umuuwi sa bahay nila.
Nakikipaghati
Kahulugan:
Ang salitang ito ay nangangahulugang nakikipagbahagi. Ito ay pandiwa na nagmula sa salitang ugat na hati na ang ibig sabihin ay bahagi. Kaya naman kapag ito ay nilagyan ng panlapi, ito ay magiging nakikipagbahagi. Ang katagang ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay sumasali sa hatian ng responsibilidad o may partisipasyon sa gawaing isinasagawa.
Halimbawa:
Ang lahat ng mga mag aaral ay nakikipaghati sa proyektong itinalaga sa kanila ng guro.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.