Ang mga kulay (Ingles:colour;Kastila:color) ay mga
katangiang bahid ng mga bagay na nakikita ng mga mata ng tao na maaaring
matingkad o mapusyaw. Nanggagaling ang kulay
ng kalikasan mula sa sinag ng araw. Pinaghihiwahiwalay ng bahaghari ang lahat
ng mga sinag ng araw. Makikita natin sa loob ng bahaghari ang kadalisayan ng
bawat kulay. Ang kulay ay may mga katangian ito ay ang Values at Intensities. Ang values kapusyawan o lightness
at kadiliman o Darkness. Halimbawa, ang kapusyawan ng pula (red) ay rosas (pink) at ang kadiliman naman nito ay
maroon. Ang intensity naman ng kulay ay nangangahulugang katingkaran o
brightness at kalamlaman o dullness ng kulay. Halimbawa ng intensity ay, ang
isang kulay ay dinagdagan ng puti o itim.