Maligayang pagdating sa IDNStudy.com, ang iyong platform para sa lahat ng iyong katanungan! Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Ilarawan  ang Bisinal na lokasyon ng Pilipinas.

Sagot :

Nczidn

Bisinal na Lokasyon - Ang Pilipinas ay naliligiran ng mga bansang:

1. Hilaga: Taiwan, China at Japan  
2. Silangan: Micronesia, Marianas  
3. Timog: Brunei at Indonesia  
4. Kanluran: Vietnam, Laos, Cambodia at Thailand

*Matatagpuan sa rehiyong Timog-Silangang Asya ang Pilipinas, ang ikalawang kapuluan sa gawing itaas ng ekwador. Tinaguriang "Pintuan ng Asya" ang bansa.  

*****************************************

Bisinal na Lokasyon ay ginagamitan ng Relatibong Pagtukoy ng Lokasyon:

Ito ay matutukoy sa pamamagitan ng mga nakapaligid na hangganang lupain o mga katubigang nakapaligid sa isang payak na lugar.

Ang relatibong lokasyon na kinalalagyan natin ay ang lokasyon ng isang lugar na ayon sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong mga pook, nasyon, o lugar.

Ano nga ba ang Bisinal na Pagtukoy ng Lokasyon? Dito ay natutukoy ang kinaroroonan ng isang lugar sa pamamagitan ng pag-alam sa mga bansang at mga nasyong katabi o nasa hangganan nito.


(Tingnan ang link na ito https://brainly.ph/question/411733 para malamang kung ano ang mga bansang nakapaligid sa Pilipinas)


********************************************
Dalawang Paraan ng Pagtukoy ng Relatibong Lokasyon

Una nga ay ang “Bisinal na Pagtukoy ng Lokasyon”. Nasa itaas ang paliwanag.

Pangalawa ay ang “Insular na Pagtukoy ng Lokasyon”.  Dito natutukoy ang lokasyon sa pamamagitan ng pag-alam sa mga anyong-tubig na nakapaligid dito:

1. Hilaga ng Pilipinas: Bashi Channel

2. Silangan ng Pilipinas: Karagatang Pasipiko

3. Kanluran ng Pilipinas: Kanlurang Dagat ng Pilipinas (Dagat Tsina)

4. Timog ng Pilipinas: Dagat Sulu at Dagat Celebes

(Tingnan din ang link na ito: Ano ang lokasyong bisinal at insular ng asya? - https://brainly.ph/question/18711)


********************************************
Para sa dagdag kaalaman: Ano naman ang Tiyak o Absolutong Pagtukoy ng Lokasyon?

Ang pagtukoy ng eksaktong lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng longitude at latitude o paggamit ng sistemeng grid.

Halimbawa:

Ang Lokasyon ng Pilipinas ay: 4° 23‘ at 21° 30‘ hilaga ng ekwador at 116° 00‘ at 127° 00‘ silangan



(Tingnan ang link na may kaugnayan: Ano ang Absolute na Lokasyon at Relatibong Lokasyon ng Asya - https://brainly.ph/question/347192)

***************************************

Bakit mahalaga ang lokasyon?  Ito ay nagsasaad ng permanenteng lokasyon ng isang lugar sa ibabaw ng mundo. Maaaring nabibigay ito sa pamamagitan ng termino o paggamit ng latitud (latitude) at longitud (longitude).

Mahalaga na may sapat tayong kaalaman sa ating eksaktong kinalalagyan para makita natin ang istratigik na lokasyon n gating bansa para sa internasunal na ruta ng mga sasakyang panghimpapawid at maging pandagat patungo sa iba’t ibang bansa. 

Ang sukat ng lokasyon ay napakahalaga rin. Ang mahalagang salik sa pagtaya ng pangkabuhayan at pulitikal na potensyal ng bansa ay nakabatay rito.

Kalimitan sa mga maliliit na bansa ay may limitado lang lang na yamang-lupa.  Ang pangangailangan para sa sapat na espasyo ay kailangan sa pagsuporta ng lumalaking populasyon at pagbigay ng pagkakataon para sa kaunlaran at pagpapalawak pa.

Ang teritoryo ng isang bansang batid ang kanilang lokasyon ay importante rin.
Ang lahat ng pangangailangan ng mga tao ay sa teritoryong sakop makukuha.

At dahil nga na sa lokasyon ng Pilipinas ay mababatid na kaagad natin ang mga gawaing pangkabuhayan at katangian ng ating bayan.


(May kaugnayan: Ano ang lokasyong insular at bisinal? - https://brainly.ph/question/202284)