Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

bakit naging sultan si pilandok

Sagot :

Si Pilandok ay naging sultan sapagkat nilinlang niya ang totoong Sultan

Sinabi niyang mayroong kaharian sa gitna ng dagat at maraming  kayamanan. Kung kaya naman ninais ng totoong sultan na makita rin ang ilalim ng dagat.

 

Sinabihan ni Pilandok ang Sultan na walang mamumuno habang ito ay nasa ilalim ng dagat kung kaya naman sinabi ng sultan na siya muna ang pansamantalang mamumuno. 


Ngunit di doon natapos ang panlilinlang niya sa tunay na sultan. Sinabi niyang dapat ay walang makaalam bukod sa kanilang dalawa ang tungkol sa kaharian sa ilalim ng dagat kung kaya iniwan ng tunay na Sultan ang  korona at mga katibayan kay Pilandok.

 

Nang nasa hawla na ang tunay na sultan, kaaagad itong lumubog at namatay ang sultan. Simula noon ay si Pilandok na ang nagging sultan.