Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

ano ang mga halimbawa ng unlapi,gitlapi,hulapi at kabilaan sa salitang ugat na sayaw at gunita

Sagot :

Ang mga Halimbawa ng Unlapi, Gitlapi, Hulapi at kabilaan gamit ang mga salitang ugat na sayaw at gunita ay ang mga sumusunod:

unlapi:

  • I + sayaw = isayaw
  • I + gunita = igunita

gitlapi:

  • S + in + ayaw = sinayaw
  • G + in +unita = ginunita

hulapi:

  • Sayaw + an = sayawan
  • Gunita + hin = gunitahin

kabilaan:

  • Sa + sayaw + in = sasayawin
  • I +g +in + gunita = iginunita

Ang panlapi ay isang morpema na ikinakabit sa salitang-ugat para makabuo ng isa pang salita.

Tatlong Uri ng Panlapi

  1. Unlapi - makikita sa unahan ng salitang ugat.
  • I + guhit = IguhitI + pinta = Ipinta
  • Ma + kulay = Makulay
  • Nai + sulat = Naisulat

    2.  Gitlapi - makikita sa gitna ng salitang-ugat ( –in- at – um-)

  • S + um + ulat = Sumulat
  • G +in + awa = Ginawa
  • M + in + ahal = Minahal

   3.  Hulapi - makikita sa hulihan ng salitang- ugat. Ang karniwang hulapi    

               ay –an, -han, -in, at –hin.

  • Tula + in = Tulain
  • Hulma + han = Hulmahan
  • Tanghal + in = Tanghalin

Para sa dagdag kaalaman uko sal Panlapi tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/440957

Kahulugan ng Morpolohiya  

Ito ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na may angking kahulugan. Ito ay maaring panlapi o salitang ugat.  Ito ay pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba't-ibang morpema.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa kahulugan ng Morpolohiya tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/446353

Tatlong Anyo ng Morpema

  1. Morpemang Ponema - paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na nagpapakilala ng kasarian.
  2. Morpemang salitang-ugat - mga morpemang binubuo ng salitang payak, mga salitang walang panlapi.
  3. Morpemang Panlapi - Morpemang ikinakabit sa salitang-ugat.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Ponema tignan ang link na ito:

https://brainly.ph/question/319578