Ang flyers na tinatawag din na leaflet o pamphlet ay piraso ng papel na kadalasan ay ginagamit sa pagpapatalastas o sa pag-aadvertise. Naglalaman ito ng mga impormasyon tungkol sa isang produkto o anumang serbisyo o mga kaalaman na nais ipaalam sa publiko. Maaaring itong gamitin ng mga indibidwal, sa mga negosyo, o organisasyon na itaguyod ang isang serbisyo tulad ng mga kainan, manghikayat o magpaalam sa publiko ng isang panlipunan, relihiyon tulad ng sa evangelismo o pampulitikang mensahe tulad ng ginagawa sa mga kampanya pampulitika. Maraming uri at maraming halimbawa ng flyers na naglalaman ng iba't ibang impormasyon. Ang isang tiyak na gampanin nito ay nakatutulong ang flyers na ipamahagi sa publiko ang anumang impormasyon o kaalaman.