IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

kasabihan tungkol sa wika

Sagot :

Answer:

                             Kahulugan ng Wika

Ang wika ay:

  1. isa sa mga pagkakakilanlan ng isang bansa. Iito ay mahalaga upang magkaroon ng sistema ng isang bansa
  2. ayon sa Bibliya, ang wika ang pinakamagandang handog ng Diyos sa sangkatauhan sapagkat ito ang pinakamagandang kasangkapan ng tao sa kanyang pakikisalamuha sa pang araw-araw na pakikipag-ugnayan.
  3. ito ay isang sistematikong  balangkas ng mga isinatinig na mga makabuluhang tunog, pinili at isinaayos sa pamamaraang paarbitraryo upang lubusang maunawaan at magamit ng mga taong nabibilang sa isang lipunang may natatanging kultura.
  4. wika ang siyang tagapagpahayag ng mga ideya at sakali mang hindi mapangalagaan ang pagkakakilanlan nito, tiyak na mwawalan ng saysay ang mga karunungang nakapaloob dito.

Paano nabuo ang salitang wika? Ano ang etimolohiya nito?

Ang salitang wika ay mula sa wikang Malay. Sa wikang Kastila nanggaling ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng salitang language, ang tawag sa wika sa Englis, nagmula ang salitang wika lengguwahe 0 lengwahe sa salitang “lengua” ng Latin, ng nangangahulugang “dila”, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid, ang wika sa anumang anyo, ay pagpaparating ng damdain o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.

Pakahulugan ng mga Eksperto sa Wika

  • Binanggit ni  Austerio et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinuhugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.
  • Ayon naman nina Mangahis et al (2005), ang wika ay may mahalagang ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahi na susi sa pagkakaunawaan.
  • Para naman kay Constantino (1996), ang wika ay instrumento ng komunikasyong panlipunan, na naging behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain at lipunan.

Kahalagahan ng Wika:

  1. Sa sarili – ang totong kahulugan ng isang rasyunal na nilalang ay nakasalalay sa kaalamang pangwika nito. Magiging possible ang lahat ng nanaisin ng isang tao o ang nais niyang ipabatid sa kapwa kung may sapat siyang kaalaman at kakayahang gamitin at pagdalisayin ang wikang kanyang nalalaman.
  2. Sa kapwa – hindi nilikha ang wika para gamitin ng tao sa sarili o kausapin ang sarili, ngunit, gingamit ito upang makihalubilo ang isang rasyuhal na tao  

Mahalaga ang wika sapagkat:

  • ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o kumonikasyon;
  • ginagamit ito upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at kaisipan  ng tao;
  • sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
  • isa ito sa mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman

Ilan sa mga kasabihan tungkol sa wika ay ang mga sumusunod:

  1. "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda."  -- Dr. Jose Rizal
  2. "Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa." – Marisol Mapula
  3. "Lahat ng bansa ay may sariling wika. Dahil ang wika ang bumubuo sa isang bansa" –Anonymous--
  4. "Ang wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa." –Anonymous--
  5. “Pitumpu’t limang taon sa Pagsulong ng Wikang Filipino sa Edukasyong Pilipino” –Anonymous--
  6. “Wikang Filipino at iba pang Wika sa Rehiyon: Wika ng Bayan Para sa Kapayapaan” –Anonymous--
  7. “Wikang Pilipino: Panlahat para sa Matatag na Lipunang Pilipino.” –Anonymous--
  8. “Wika ay Kakambal sa Kapayapaan sa Pagtahak sa Tuwid na Landas” –Anonymous--
  9. “Aanhin mo ang banyagang wika, kung ang sarili mong wika ay di mo matalima” –Anonymous--
  10. “Ang mahusay na lunas para sa kamangmangan ay tamang kaalaman ng mga wika” –Anonymous—

Para sa karagdagang impormasyon, dumolong sa mga links na ito:

https://brainly.ph/question/1712592

https://brainly.ph/question/1669938

https://brainly.ph/question/1751652