Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

Ano po ang kahulugan ng salitang-ugat?

Sagot :

Kahulugan ng Salitang-Ugat

Ang salitang-ugat ay tumutukoy sa mga salitang buo ang kilos. Ito ay nakapag-iisa at kahit nag-iisa ay nakapaglalahad ng isang ideya. Ito rin ang mga salita na nilalagyan ng mga panlapi upang makabuo ng ibang salita. Narito ang ilang halimbawa ng salitang-ugat:

  • sulat
  • sayaw
  • awit
  • lakad
  • basa
  • laba
  • hirap
  • takbo
  • buhat
  • bagal
  • bilis
  • bango
  • kahon

Ano ang panlapi?

Ang panlapi ay ang kataga na ikinakabit o idinaragdag sa salitang-ugat. Ito ay maiikli lamang at hindi nakapag-iisa. Ang panlapi ay may limang uri. Ang mga uri nito ay ayon sa posisyon ng pagkakadagdag sa salita. Alamin sa ibaba ang iba't ibang uri at halimbawa nito.

1. Unlapi - Ito ang panlapi na matatagpuan sa unahan ng salitang-ugat. Ang ilang halimbawa nito ay mag-, pag-, nag-, ma- at pa-.

  • maglakad
  • pagsayaw
  • naglaba
  • mabilis
  • pabuhat

2. Gitlapi - Ito naman ay idinaragdag sa loob ng salita. Ilang halimbawa nito ay -um- at -in-.

  • sumulat
  • kinain
  • tumakbo
  • sinagot

3. Hulapi - Ito ay ikinakabit sa hulihan ng salita. Ilang halimbawa nito ay -in, -an, -hin at -han.

  • basahin
  • kantahan
  • aralin
  • talaan

4. Kabilaan - Ito naman ay tumutukoy sa panlapi na ikinakabit sa unahan at hulihan ng salita.

  • nag-awitan
  • magbatuhan
  • pagsabihan

5. Laguhan - Ang panlapi naman ay matatagpuan sa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.

  • pagsumikapan
  • ipagsumigawan

Karagdagang halimbawa ng mga uri ng panlapi:

https://brainly.ph/question/440957

#LearnWithBrainly