Ang
wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas.
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang
katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang
Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit
bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Ang wikang ito ay isa sa mga tatak o pagkakakilanlan ng Pilipinas. Dahil sa paggamit ng iisang wika, nagdudulot ito ng pagkakaunawaan ng bawat mamamayan. Dahil sa pagkakaunawaang ito, nagkaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaisa na siya namang nagbubunga ng kaunlarang panlipunan. Ang kaunlarang panlipunan ay malaking bahagi ng pambansang kaunlaran.