Tuklasin Panuto: Upang mapalalim ang ating kabanalan, kailangan natin magkaroon ng positibong pananaw at gumawa ng mabuti sa kapwa. Markahan ang iyong mga gawang kabanalan sa antas na 1 hanggang 4. 4- Palaging ginagawa 2-Paminsan-minsang ginagawa 1- Hindi pa nagagawa 3- Ginagawa kung may nakakakita
1. Pagdarasal sa pook-dalanginan.
2. Paglahok sa mga pagdiriwang panrelihiyon.
3. Pagpapatawad sa nakagawa sa iyo nang pagkakamali.
4. Pagpapakain sa nagugutom.
5. Pakikipag-usap sa mga iba tungkol sa iyong relihiyon.
6. Regular na pagpunta sa isang spiritual director, pastor o pari.
7. Pagdarasal araw-araw.
8. Regular na pagninilay-nilay at pagmumuni-muni.
9. Pagdalaw sa mga kamag-anak na may sakit.
10. Pagdalaw sa mga batang ulila at matatandang inabandona.