Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

TAMA O MALI Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pahayag ay tama, at kung mali, salungguhitan ang salitang nagpapamali sa pahayag at palitan ito ng tamang sagot.

31. Tinatayang panahon ng Kabihasnang Sumerian nang umusbong ang konsepto ng citizen.

32. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinadhana ng batas.

33. Ang dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

34. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang political na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas.

35. Isa sa mga layunin ng civil society na maging kabahagi sa pagpapabago ng mga polisiya at mag giit ng kapanagulan (accountability) at katapatan (transparency) mula sa estado.

36. Inaasahan ang mga mamamayang Pilipino na magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng lipunan.

37. Igigit o ipaglalaban ng isang mamamayang Pilipino ang kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ng bayan.

38. Ang city-state ay sektor ng lipunan na hiwalay sa estado na binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental Organizations/People's Organization.

39. Kalakip sa pagiging isang mamayang Pilipino ay ang pakikilahok political katulad ng pagsali sa civil society, pagboto at participatory governance.

40. Ang consensus orientation ay pakikiisa ng mga opisyal ng pamahalaan at ng mga mamamayan sa pagtukoy ng malawak at pangmatagalang pananaw para sa kabutihan ng lipunan at pag-unlad ng tao.​