IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga sagot ng eksperto. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

sino si alexander the great

Sagot :

Si Alexander the Great ay ang tinuturing na pinakamagaling na heneral sa kasaysayan. Siya ay naging hari ng Macedonia sa edad na dalawampu. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa kung sino si Alexander the Great ay nasa ibaba.

Bahagi ng pagkatao ni Alexander the Great ang pagiging isang magaling ni lider at heneral. Sino si Alexander the Great sa kasaysayan? Si Alexander the Great ay naging hari ng Macedonia sa edad na dalawampu dahil minana niya ito mula sa kanyang ama na si Haring Philip. Bukod sa kaharian ng Macedonia, minana rin niya ang naiwang digmaan ng kanyang ama. Ngunit kakaiba si Alexander the Great dahil winakasan niya ang pag-aaklas sa Macedonia.

Bakit naging tanyag si Alexander the Great? Bukod dito, naging tanyag din si Alexander the Great dahil naging pinuno siya ng pinakamalawak na imperyo sa kasaysayan sa loob ng 13 na taon. Itinayo niya ang lungsod ng Alexandria sa may Ilog Nile. Sinakop din niya ang lambak ng Indus sa India at ang Persia. Papunta sa Persia, tinawid ni Alexander the Great ang Aegean Sea kasama ang 300,000 na sundalo at 5,000 na hukbong kabayo. Natuwa sa kanya ang kanyang mga sinakop dahil nagawa niyang alisin ang pagpapataw ng buwis taun-taon.

Si Alexander the Great ay pumanaw sa edad na 33 taon. Siya ay nagkasakit dahil sa pagkahapo at paglalasing.

Iyan ang detalye kung sino si Alexander the Great.

Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa tungkol kay Alexander the Great.

Talambuhay ni Alexander the Great: https://brainly.ph/question/541989

Sino si Alexander the Great: https://brainly.ph/question/515933 at https://brainly.ph/question/974710