Noong Disyembre 30, 1896 ay binaril sa Bagumbayan si Jose Rizal. Ito ay matapos ang kanyang pagkakakulong sa salang pagiging traydor sa pamahalaan. Siya ay isang rebolusyonaryo at nagsulat ng mga akda na Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang gisingin ang mga Pilipino sa pang-aabuso ng mga Kastila. Siya ay hinirang na Pambansang Bayani dahil sa kanyang natatanging pag-ibig sa bayan.