IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
IBA'T-IBANG ISYU SA BUHAY NG ISANG TAO
Maraming isyu ang nabubuo sa isipan ng kapwa natin tao May mga akala,paninira at maraming haka-haka na minsa'y nagdudulot ng gulo,away at hindi pagkakaunawaan at pagkakaintindihan ng bawat isa. Sa atin,sa akin ,sa iyo o maging sa kanila ay May mga isyu na hindi lang natin alam ngunit ang ibang tao ay pinag-uusapan tayo. Minsan naman ay prangkahang sasabihin sa iyo ang mga gusto nilang sabihin kahit na masakit at hindi katanggap tanggap sa iyong puso. Maraming isyu sa buhay ng isang tao at ang mga ilan dito ay ang mga sumusunod; una ay ang isyung pang-pinansyal pangalawa ay ang isyung pang-kalikasan, Pangatlo ay ang isyung pang-kalusugan at ang ika-apat ay ang isyung pang-kasarian.
IBA'T-IBANG ISYUNG PATUNGKOL SA BUHAY NG ISANG TAO
1.) ISYUNG PANG-PINANSYAL- Sa buhay ng isang tao ay isang isyu ang pinansyal sapagkat isa itong bagay na kung saan ay sadyang mahala sa bawat araw,oras at panahon. Ang isyung pinansyal ay kadalasang pinag-aawayan ng mag-asawa sa isang tahanan dahil kung minsan ay sa kadahilanang walang panggastos at walang pantustos sa mga kinakailangan sa loob ng tahanan at mga bagay na pansarili ng bawat indibidwal. Pinansyal din ang siyang tanging pundasyon ng mag-asawa dahil ito ang pangunahing kailangan sa buhay mag asawa lalo na sa makabagong panahon na ating tinatahak.
2.) ISYUNG PANG-KALIKASAN- Ang isyung pang-kalikasan ay isang isyu sa ating paligid na palagiang nagaganap. Ang pagpuputol ng puno sa paligid na hindi napapalitan ay isang isyu, Ang pagpapatay ng mga hayop na hindi naman kinuha at pinakikinabangan o nagsisilbing indanger species ay isa ring isyung pang-kalikasan na kung saan ay maging epekto at masamang epekto sa ating paligid. At napakarami pang isyung patungkol sa ating kalikasan na ang iba'y dinididma na lamang sa katuwirang wala namang halaga at ambag sa buhay ng isang tao na nabubuhay sa mundo.
3.) ISYUNG PANG-KALUSUGAN- Sa makabagong henerasyon ay sadyang iba na ang lahat, maraming nag-iba at nagbago sa ating paligid at pansin din natin maging ang hilig ay sadyang nag-iiba din. Sa kalusugan malaking isyu ito sa pamilya dulot ng teknolohiya tulad ng selpon at ibang gadyetbna kung saan ay naging kinahihiligan ng bawat isa lalo na sa kabataan at dahil dito ang kanilang sarili ay sadyang napapabayaan at maging ang kanilang mga kalusugan ay di na napapansin at nabibigyan ng halaga dahil mas inuuna pa ang ibang bagay kesa sa sari.
4.) ISYU SA KASARIAN- Ang isyung pang-kasarian ay isang isyu na kung saan ay laganap na din sa ating bansa at kinabibilangan. Ngunit wala namang masama sa ganitong isyu bagkus para sa iba ay isang kasalanan na di na maitatama pa at isyu din ito na kung saan maraming nag-iiba ang paniniwala.
#BRAINLYEVERYDAY
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.