Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
Answer:
Ang pananakop sa ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo ay bunsod ng iba't ibang dahilan at may iba't ibang uri rin nito. Alamin ang mga ito sa ibaba.
Dahilan ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo
Naging madali sa mga Europeo ang paglalakbay sa karagatan dahil sa mga makabagong teknolohiya at agham bunsod ng Rebolusyonaryong Siyentipiko sa Europa.
Nangailangan ang pamilihan at hilaw na materyales ang mga industriya sa Europa.
Nagkaroon ng malaking demand para sa mga hilaw na materyales tulad ng bulak, goma, seda, mineral at vegetable oil na makukuha sa Africa at Asya.
Dahilan ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo
Sphere of Influence - Ang maliit na bahagi ng bansa ay kontrolado ng makapangyarihang bansa ang pamahalaan at pulitika nito.
Kolonya - Ito ang mga bansang isinailalim sa pamamahala ng mananakop.
Protectorate - Ito naman ang bansang binigyan ng proteksyon laban sa paglusob ng ibang bansa. Ang mga opisyal ay pinahihintulutan ng pamahalaang lokal na taglayin ang titulo at kapangyarihan.
Concession - Ang mahihinang bansa na nagbibigay ng konsesyon sa mga makapangyarihang bansa.