Ang kahulugan ng nalalambungan ay natatakpan. Maaari din ito na may nakataklob o nakasaklob sa ulo ng tao, may takip at kulubong sa ulo. Ito ay madalas na tumutukoy sa babaeng naglaalagay ng tela o mantel sa ulo palibot sa kaniyang mukha kapag siya ay sisimba. Ang nalalambungan rin ay ginagamit sa mga bagay na natatakpan na hindi kita o abot tanaw ng ating mga mata.
Halimbawa
1. Ang puno na nalalambungan ng mga mabituing kalangitan.
2. Nalalambungan ng makapal na tela ang mukha ng isang balo.
3. Natatakpan ng makapal na usok ang kalsada.
4. Nakasaklob ang ulo ng bata sa damit ng kaniyang ina.
5. Ang babae ay nalalambungan ng telang kulay itim.