Ang kita o sahod ng isang tao ay inilalaan sa pagkonsumo tulad ng pagbili ng bigas, at iba pang pangangailan ng isang tao o pamilya. Ang pagkakaroon ng sapat na kita ay mainam lamang para sa isang maliit na pamilya. Kadalasan, ang sapat na kita ay walang naiwan.
Ngunit kung may maliit na naiwang kita o sobrang kita, mas mainam kung ito ay ilalaan sa pag-iimpok. Ang pag-iimpok ay malaking tulong upang magkaroon ng salaping magagamit sa panahon ng kagipitan.