Answered

Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

kailan masasabi na ang isang bansa ay maunlad

Sagot :

Ekonomiya, kahirapan, at marami pang ibang konsepto ang maaaring bumuo at ikonsidera sa pagalam kung ang isang bansa ay nakakaranas ng kaunlaran. Ngunit, may konkretong mga batayan na inilabas ang United Nations Development Program (UNDP) kung paano at kalian masasabing maunlad ang isang bansa.  

(https://brainly.ph/question/2134020)

  • HUMAN DEVELOPMENT INDEX (HDI)

Ang Human Development Index o HDI ay isang estatistikal na pamamaraan upang sukatin ang kabuuang kalagayan ng isang bansa batay sa sosyal at ekonomikal na kalagayan nito.  

(https://brainly.ph/question/534855)

  • HISTORY

Ito ay binuo ni Mahbub ul Haq, isang ekonomista mula sa Pakistan noong 1990 na ginawang batayan ng United Nations Development Program (UNDP). Taun-taon naglalabas ang organisasyon na ito ng rango ng mga bansa batay sa resulta ng kanilang HDI report.

  • TATLONG BATAYAN NG HUMAN DEVELOPMENT INDEX

1. Life expectancy o haba ng buhay

May mga datos ang Philippine Statistics Authority ng life expectancy ng mga Pilipino sa bawat taon na nagdadaan.  

2. Access to education o ang kakayahan na magkamit ng edukasyon

Sa larangang ito, sinusukat naman ang bilang o estatistikal na edad ng mga batang pumapasok sa paaralan at kung anong edad sila nagsimulang mag-aral. Kinukuha ang mean years sa record na ito.

3. Decent standard of living o disente at kakayahang mabuhay

Ito ay nasusukat naman sa Gross National income per capita ng isang bansa

Sa pamamagitan ng HDI, nabibigyan ng estado ang mga bansa mula sa pinakamaunlad at mga bansang umuunlad pa lamang. Ang Pilipinas ay nabibilang sa mga developing countries dahil sa 0.688 na resulta ng HDI. Sa HDI, ang puntos ay mula sa 1 na pinakamataas hanggang 0 na pinakamababa naman.

(https://brainly.ph/question/534855)

MGA BANSA NA MAY HDI NA 1 O FIRST WORLD COUNTRY

  1. Canada
  2. United Kingdom
  3. France
  4. Spain
  5. USA
  6. Japan
  7. South Korea
  8. Australia
  9. New Zealand
  10. Switzerland

MGA BANSA NA MAY HDI NA 0 O LEAST DEVELOPED COUNTRY

  1. Afghanistan
  2. Timor-Leste
  3. Angola
  4. Mali
  5. Bangladesh